Freddie Aguilar appointed as new NCCA commissioner by President Rodrigo Duterte

Freddie Aguilar appointed as new NCCA commissioner by President Rodrigo Duterte





Habang hinihintay niyang mabuo ang departamentong kanyang hiniling mula kay Pangulong Rodrigo Duterte, pamumunuan muna ng beteranong singer na si Freddie Aguilar ang National Commission for Culture and the Arts bilang commissioner.

Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang veteran singer na si Freddie Aguilar bilang commissioner ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Si Freddie ang paboritong singer ng bagong pangulo.

Ito ay sa kabila ng sinabi noon ni Freddie na tatanggap siya ng posisyon sa gobyerno kapag may lilikhaing bagong tanggapan na tututok sa paglinang ng sining at kultura.
Sa live interview ng Aksyon Tonite ng TV5 kay Freddie kagabi, July 14, sinabi ng singer na ito kasi ang kahilingan ni Pangulong Duterte sa kanya—na pamunuan muna ang NCCA.
Saad niya, “Ito kasi ang kahilingan ng ating mahal na pangulo natin, habang hinihintay po natin na mabuo yung departamento ay sinabihan po niya ako kung papayag po muna ako kung pamunuan ko ang NCCA.

“Ako naman po ay kusang-loob na pumayag naman po na pamunuaan muna ito.” Bakit gusto niya ng bagong departamento? Sagot ni Freddie, “Ang gusto ko po kasi ay tunay na pagbabago sa kultura at sining. Ang gusto ko nga po ay cultural revolution.

“At hindi ko po ito magagawa sa pamamagitan lang po ng NCCA, marami pong kulang dito.
“Yun pong hinihingi ko sa president na Department of Culture and Arts ay sumasakop po sa malawak na pag-aari ng gobyerno katulad ng PTV-4, Radyo ng Bayan…

“Basta magagamit po ito sa pagpo-promote po ng kultura at sining natin, mag-work hand in hand din po ito sa Department of Education.” Ang gusto raw niyang simulang gawin ay ang pagbabalik ng ilang kultura ng bansa na binura ng mga dayuhang sumakop sa Pilipinas noon. RJ JACINTO. Samantala, in-appoint naman ang singer-businessman na si RJ Jacinto bilang presidential adviser on Economic Affairs and Information Technology Communications. Si RJ ay graduate sa Ateneo de Manila University ng economics. Pagmamay-ari ng kanilang pamilya ang National Steel Corporation.
Sina Aguilar at Jacinto ay masugid na supporters ni Duterte noong kampanya. Nauna nang itinalaga ni Pangulong Duterte ang iba pa niyang supporters mula sa showbiz na sina Katherine de Castro sa Department of Tourism at sina Jimmy Bondoc at Arnell Ignacio sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

SHARE THIS STORY