Saturday, June 06, 2026

𝗦𝗘𝗡. 𝗥𝗢𝗕𝗜𝗡 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔, 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗚𝗢𝗧 𝗞𝗔𝗬 𝗦𝗘𝗡. 𝗘𝗥𝗪𝗜𝗡 𝗧𝗨𝗟𝗙𝗢 ‼️

 


Hindi pinalampas ni Sen. Robin Padilla ang mga banat ni Sen. Erwin Tulfo laban kay Legit Senate President Alan Peter Cayetano. 🇵🇭

Diretsahang mensahe ni Robin: ang tunay na matapang, hindi puro dakdak at pagbabanta — ginagawa, hindi ipinangangalandakan.

“Kung talagang gagawin mo, huwag ka nang mag-utos sa OSAA. Gawin mo na mismo. Diretsohin mo na. At isama mo ako,” mensahe ni Padilla.

Dagdag pa niya, kung magkakaroon ulit ng hearing si SP Cayetano, tiyak umano siyang dadalo.

“Kung kukwelyuhan mo at palalabasin si SP Cayetano, isama mo ako. Mas mabuti, ako muna ang unahin mo. Try me,” ani Padilla.

Ayon pa kay Robin, hindi sanay si Cayetano sa ugaling kanto at hindi rin ito mahilig makipagbasagan ng mukha, kaya kung may tapang daw talaga si Tulfo, sa kanya na lang ito gawin.

“Wag ka nang magtago sa likod ng OSAA. Kung sinabi mong gagawin mo, gawin mo on your own,” dagdag pa niya.

Matapos umano ang mga pahayag tungkol sa pananakot sa mga empleyado ng Senado, hamon ni Robin kay Tulfo:

“Puro ka dakdak. Gawin mo na lang. Pero sa akin mo unang gawin. Try me po.



No comments:

Post a Comment