Monday, August 06, 2018

Pinoy Ako Blog vs Atty. Glenn Chong

In Case You Missed: Narito po and sagutan sa pagitan nila Pinoy Ako Blog at Atty. Glenn Chong

Kayo na po bahala humusga...




In Reply to Glen Chong


Dear Atty. Glen

Two days na akong kinukulit ng mga tsuwariwariwap ni BBM na sagutin daw kita sa mga pinagkukuda mo sa Senate hearing. Ako naman, ayoko namang sumagot ng hindi ko napag aaralan yung issue mo.

First, sabi mo daw, May 8 palang may election na kasi meron ng “transmission”. Pareho kayong theory ng privilege speech ni Senator Sotto dati ha.

Now, tanong kita, taga Biliran ka di ba? For sure may mga upland and lowland areas kayo doon. Mga lugar na malayo sa kabihasnan. Hindi ba kinukuha ng mga teachers and mga gamit for election minsan 1 or days before the election kasi nga malayo pa ang biyahe nila? At sinagot ka na ng COMELEC, tsong. According to Comelec this “query” is part of the Final Testing and Sealing (FTS), that is to test the ability of the VCM’s to connect with the servers come election day.

Mere “query” by the VCM does not automatically elicit the conclusion that votes have been transmitted during the “query’. Kaya walang record kasi wala namang natransmit na votes. Tse!

In other words, hindi yun transmission. Yun ay pagtesting kung maayos ang mga machine bago pa mag elections. Kaya wag kang imbento. Daming drama, puro naman propaganda.

Alam mo ba ang CCS? Consolidating and Canvassing System. Kung totoo ang sinasabi mo na may transmission of votes na nangyari, May 8 palang, hindi ito papayagan ng CCS, kasi po may mechanism ang software na to to reject subsequent transmissions. Thus, if the CCS logs can show that results have been received on the night of May 9 (after elections), then the early transmission na pinagkukuda mo ay isang malaking guni-guni.

Pangalawa, yung sinasabi mo na “The Comelec server was allegedly accessed by a foreign-based machine (E360SYNC), during and after the elections. That it “has the access privilege of a root” capable of making alteration on the system. He called it “malicious and considered a critical intrusion to a computer system.”?

Luh, guni-guni mo na naman yan. Di ba sinabi na yan ng Comelec dati na yang E360SYNC ay para mag push lang ng data from VCM to servers kasi part yan ng mechanism of the system. Pero dahil hindi makamove on amo mo, kaya kahit ang mga wala naman talagang kahulugan hinahanapan niyo para kunwari may nadaya.

Matanong nga kita, ang mga pinagkukuda mo lang ay kung paano nadaya ang election, parang expert kayo ha. Pero may naipakita na ba kayo na kahit isa man lang discrepancy? Wala di ba? Kasi puro lang kayo propaganda para hanggang 2022 relevant pa din amo mo.

Amo mo naman talaga, kasi you were his representative. Resibo.



Sabi mo nominated ka lang pero hindi mo tinanggap. Klaro sa document na you were “sent” as a “regular and alternate representatives of the protestant Bongbong Marcos.” So alin diyan ang hindi mo tinanggap?

Kung hindi mo tinanggap bilang representaive ni BBM eh ano to?



Ano ang ginawa mo diyan? Uzi? Usisero? Kwento mo yan sa pagong ha. Baka maniwala.

Kung may history man ng pandaraya dito, hindi si VP Leni Robredo yun.

I read your case pala, pinadala ng isang source, where COMELEC found a probable cause para kasuhan ka and your kasamahan.







Yung complaint pala ay tungkol daw sa pagkuha niyo, at pagtamper at ginamit niyo ang Officila Ballots noong May 13, 2013 National and Local Election.



At Kyah, nabasa ko ang affidavit, kung paano daw niyo na plano lahat.







Ayon sa affidavit, plinano niyo na mag break-in sa Biliran para kumuha ng official ballot para iprove ang dayaan? Luh grabe. Talagang magiging dahilan pa ang laging pag brown out sa mangyayaring nakawan ng official ballot?

Pero hindi daw natuloy ang Biliran, kaya ginawa sa Baguio na lang.





Ikaw daw po ang nag suggest na pumunta ng Baguio at doon na lang nenokin ang official ballot. And base sa affidavit, eto daw po ang mga sumunod na inutos mo.









Sabi sa affidavit, “Chong likewise gave specific instructions to Acosta to tamper with the senatorial votes for Cojuangco.” Luh.

27 pages and case. Isa lang ang tumatatak sa isip ko, IKAW AY NAHANAPAN NG PROBABLE CAUSE NG COMELEC FOR OBTAINING AND TAMPERING OF OFFICIAL BALLOTS.

As I said minsan pag nagtuturo tayo sa iba, hindi natin alam na mas maraming finger ang nakaturo sa atin.

Harapin mo na lang kaso mo Kyah. Pakisabi din sa amo mo na si BBM, magmove-on na at gamutin na lang ang basa niyang kili-kili! Tse!



SAGOT KAY JOVER LAURIO


Dear Ms. Jover Laurio,

Akala ko ba ay may modicum of decorum kayo sa pagsusulat. Reading your letter, it seems that even the most rudimentary courtesies of the streets do not apply in your case. While I do not wish to stoop down to your level, I am more than compelled na hindi umatras ng kahit isang pulgada man lang ng lupa sa pakikipaglaban sa mga mandaraya sa halalan. Let's begin.


Bakit kayo nagreply sa akin gayong hindi ko naman kayo sinulatan? Nagpapapansin kayo o gusto ninyong sumawsaw lamang sa isyung wala naman talaga kayong alam?

Mali pa ang spelling ng pangalan ko. At hindi po privilege speech yan – ang tama ay privileged, as in my “D” sa dulo.

Sabi mo nag-aral ka muna sa isyu bago sumulat. Well, your letter unmask your utter want of study. Kulang po ang inyong pag-aaral. Mali-mali pa. Here’s why?

Reading from your letter from the uplands to the lowlands, Biliran can be traveled from point A to point B in less than 6 hours anywhere across the island and even around the island. Therefore, the premise or example na sinabi mo sa inyong letter ay mali. Simula pa lang yan ha!

As I have said sa hearing, you can review the video for God knows h many times it will take your brain to understand my simple explanation, ang transmission infrastructure ay may 2 bahagi. Ang ipinakita ko sa hearing ay Part 1 lamang. The QUERY part. Hindi ko pa ipinakita ang Part 2. The TRANSMISSION part. I know how to wage my battle and I am not stupid to share it with you. Be that as it may, magpapadala lamang ang VCM ng QUERY kung may resulta na ito. At the point of Part 1, sa QUERY part pa lamang, may hawak ng resulta ang makina. And on May 8, 8.40 ng umaga, nang magpadala ng QUERY ang VCM sa Ragay, wala pang botohan. Bakit may resulta na siya?


Mahirap bang intindihin ang kababalaghang ito? For those with 100% functioning brains, it is easy and simple to understand. But for those with just 25% functioning brains, it is understandable that they will obviously grapple for understanding. Kaya ang katotohanan sa inyo ay imbento, drama at propaganda dahil nga 25% lang ng utak ang gumagana. This is perfectly natural for people of your kind!

And speaking of the clueless… Ano kamo ang CCS? Consolidating and Canvassing System? Consolidation yan, hindi Consolidating.

Sabi mo may mechanism ang software ng CCS na i-reject ang subsequent o sumunod na transmission. Kaya sabi mo “if the CCS logs can show that results have been received on the night of May 9 (after elections), then the early transmission na pinagkukuda mo ay isang malaking guni-guni.”

Something is really wrong with your brain, girl! Going by your own argument, sabi mo i-reject ng CCS ang subsequent o sumunod na transmission dahil ang tatanggapin lang niya ay yung nauna. This is the clear, logical and necessary consequence ng inyong statement.

In this regard, tama ka, girl. But not because your brain is working. It is due to sheer luck. Sinuwerte ka lang talaga. Now, let us look at Ragay. Ang presinto na ito ay nagpadala ng resulta noong May 8. This is the prior o naunang resulta. Ang resulta ng presintong ito sa araw ng halalan, May 9, ang siyang subsequent o sumunod na resulta. Gets mo ang reference in time?


Kaya ang peke at madayang resulta noong May 8 sa presintong ito ang siyang pumasok at tinanggap ng CCS at ang totoong resulta ng nasabing presinto sa araw ng halalan ang siyang ni-reject ng CCS. Ulitin ko, ang peke at madayang resulta noong May 8 ang nakapasok sa canvassing system dahil ang totoong resulta ay lumabas nang sumunod na araw pa, May 9. Nauhan ng peke ang totoong resulta. Ikaw na mismo ang nagsabi na ang subsequent o nahuling resulta ay siyang i-reject ng canvassing system.

Hindi na ako mag-aksaya ng panahon na ipaliwanag ang foreign access ni e360sync dahil nga nahirapan ka ngang intindihin ang simpleng transmission infrastructure, nangangahas ka pang magpaliwanag sa mas malalim pang isyu. Let your brain rest. It badly needs it. At huwag ka ng magtangkang magbakasakaling makapontos dahil sa swerte. Luck does not come in pairs.

8 taon na akong nagsusubay at masusing nag-aaral sa isyu ng dayaan. Ikaw kahapon lang. Huwag naman maging sobrang ambisyosa ang bagong silang na matsing.

Discrepancy ng resulta kamo hanap mo? Sige, for your viewing pleasure, pumunta ka sa Lunes, August 6 sa alas 10 ng umaga sa Claro M. Recto Room ng Senado sa second floor. I promise you, ipapaupo kita sa hanay ng mga resource speakers. Kakausapin ko ang Committee Secretariat. I will give you the best seat in house. Magtanong ka at gisahin mo ako total, kaalyado naman ninyo si Sen. Drilon, he can always give you his time. Let me know kung game ka. And when you are there, try your dumbest best to destroy me. I will let you eat dust, baby.

Ipinakita mo ang sulat ni Atty. George Garcia with a caption sa taas na “RESIBO.” Tagalog na yan ha, di mo pa rin gets ang kahulugan? My God, where art though in the brains of this girl? Ang ibig sabihin ng resibo ay patunay na may tinanggap ang pumirma. Si Atty. Garcia ang pumirma. So therefore, resibo niya ito, hindi akin kasi hindi naman ako pumirma dito. This is as far as logic will take us. See, you are indeed absurd!

Sa kataga namang “sent” sa nasabing sulat ni Atty. Garcia, iba ang “sent” kaysa “present.” They sent me. But was I present? Iba yung ipinadala ka. Iba naman yung nandoon ka nga. Hindi pa ninyo napatunayan na nandoon nga ako in relation to this particular letter.

As for the picture sa warehouse, hindi ako tulad sa inyo na ibinabandera ang bala bago pa man magsimula ang digmaan. Tiyak, samakalawa, pagsimula ng digmaan, talo na kayo kaagad dahil alam na ng kalaban ninyo kung anong bala meron kayo. Kabobohan!

Sa totoo lang, hindi ko nakita ang mga sulat ni Atty. George Garcia kung saan nandiyan ang pangalan ko. Pero dahil ipinakita na ninyo ito sa akin bago pa man magsimula ang bakbakan, bugbog kayo sigurado. Maraming salamat sa inyong kabobohan. It gives me superior advantage. Kaya it really pays to use one’s brains.

“Kung may history man ng pandaraya dito, hindi si VP Leni Robredo yun,” ito ang sabi mo. Narinig mo ba akong nagbanggit ng pangalan sa hearing kung sino ang nandaya? Si Comelec at Smartmatic ang target ko, hindi si Leni Robredo. Bakit ganyan ang feeling ninyo? Guilty lang ang nagrereact ng ganito dahil takot sa kanyang sariling anino.

Finally, you are sounding like the trumpet of Sixto Brillantes. Madaya ka ring bruha ka. Hindi mo ipinakita sa inyong blog na 4 lang sa 7 mga komisyoner ng Comelec ang pumirma sa pangunguna ni Andres Bautista. And as it stands now, si Abas na lang ang natira sa mga orihinal na pumirma. Anong probable cause mo gayong 1 komisyoner na lang ang natirang pumirma sa resolusyong hawak mo.

Para sa inyong kaalaman, ang testigo ni Brillantes laban sa akin ay isang swindler, estapador, palsipikador, child molester and drug peddler, all rolled into one. Sinong hukom ang maniniwala sa ganitong klaseng testigo na punulot lang ni Brillantes sa gutter.

At alam mo ba na yung testigo niya ay umamin sa akin na pinilit lang siya ni Brillantes na gumawa ng complaint-affidavit? At si Brillantes pa mismo ang sumulat ng complaint-affidavit. Pinapirma lang siya!

NOW, HERE IS THE HARD PART FOR YOU. WHAT YOU DID IS LIBELOUS. MALICE IS IMPUTED FROM THE FACT NA ITINAGO MO ANG DISPOSITIVE PORTION NG NASABING RESOLUTION KUNG SAAN MAKIKITANG 4 LANG ANG PUMIRMA HINDI 7 AT MAKIKITA ANG MGA DAHILAN NG PAGPIRMA AT HINDI PAGPIRMA NG MGA KOMISYONER NG COMELEC.

KAYA NGA HINDI UMUSAD ANG KASONG IYAN DAHIL HARASSMENT SUIT LAMANG NI BRILLANTES AT WALANG GUSTONG PUMIRMA MALIBAN NA LANG SA WALANG BAYAG NA SI ABAS.

KAPAG HINDI MO IPAKITA ANG BUONG RESOLUTION AT LINAWIN ANG ISYU, SASAMPAHAN KITA NG LIBEL DAHIL SA GINAWA MO.

Glenn Chong

(yan ang tamang Spelling)



Tell me what you think

In the comments below let me know what you think about on the list. Do you like them, do you hate them? Or even better, are there any other you believe would do a much better job?

Show your support 

If you have enjoyed the article or if it was interesting and helpful in any way please drop a like and a share! It really means a lot and helps the blog grow and show your support

No comments:

Post a Comment